­

When I Visited Manila by the Numbers

10:01 PM

Before it all rots. Parang one month ago lang naman eh :P

Recto. Old Manila daw ito. Wala lang, gusto ko lang yung picture. First time ko kasi naglabas ng camera sa MRT station ng Maynila, haha.

Noriter Malate. Ito ang sobrang na-excite ako na bisitahin. May Noriter Dumaguete kasi, and it's the first Noriter Cafe in the world. At ang malupit, yung kaibigan kong Koreano ang nagdesign ng buong cafe. Napanood ko nga 'to dati sa MYX pati sa Studio 23. Whew. Compared sa Dumaguete, mas malaki ang Noriter Malate at mas marami ang pwedeng orderin sa menu. Sobrang naengganyo talaga akong bumisita matapos ko masilayan ang blog post ni Robbie about Noriter. Ang ayaw ko lang dun eh sa sobrang laki, eh sobrang matao yung lugar lalo na't katapat lang ito ng DLSU. Para sakin, mas relaxing pa rin yung sa Dumaguete. Pero napakaganda pa rin ng Noriter Malate.

Zizi and Jaydee. Sila ang mga mentors ko nung Baby Christian pa lang ako, niyaha. Si Zizi, leader ko sa Kids Church. Si Jaydee naman eh mentor ko sa small group and discipleship. Sobrang namiss ko sila kaya pinagsamantalahan na namin ang pagkakataon na nasa Maynila kami that time. Nag-dinner, nanood ng sine, usap-usap. Parang isang very well-formed tae lang yung hawak-hawak nilang cinnamon bread sa Starbucks.

Oki-Oki. Sarap ng pagkain nila kahit mamahalin. Japanese cuisine at pure Japanese yung may-ari na nakatambay lang sa restaurant nung kumain kami. Di ko lang masyado trip yung lighting dun pero ok na.

Yung style namin kapag kumakain sa labas eh dapat di magkaparehos yung order para marami kaming matikman at sulit ang gastos.

Victory Manila. Nakakalat ang mga Victory churches sa Maynila. Meron sa Taft, Malate, Caloocan, Makati, Greenbelt, Ortigas, QC etc. etc. Sobrang blessed ako sa Victory U-Belt, Galleria, at Fort Bonifacio services na napuntahan ko. Tatlong linggo ako na hindi na nakakapagsimba nun dahil di ako makahabol sa Ozamiz, kaya hanggang Podcast na lang preachings nanaririnig ko. Isa pa, sobrang namiss ko talaga ang Victory Dumaguete...at dahil magkaterno lang talaga ang lahat ng Victory churches sa Pilipinas, eh damang-dama ko ang hype at belongingness sa mga Victory churches sa Manila. Nakita ko pa si Yeng Constantino sa Victory Fort. Grabe, talon ng talon during praise. Sobrang namangha rin ako kasi andami-dami na talagang narereach out ng Victory; bawat service eh napupuno talaga yung congregation. Praise God!!! Sana si PNoy ma-reach out na rin!

Valenzuela. Eto yung mga taong nagpatuloy sakin sa Valenzuela kapag nasasaraduhan nako ng pinto sa boarding house ng pinsan ko sa Pasay. Si Allan, at si Mermer. Sa kwarto ni Mermer ako nakitulog nun, churchmate ko at kasi kami yung mas close dati pa sa Dumaguete; si Allan sa Valenzuela ko lang nakilala. Grabe, sobrang layo. 5 days siguro ako umuuwi ng Valenzuela nun. Nakakapagod na nakakatuwa haha. Natutuwa ako kasi kapag nakakasakay ako ng bus, andami-dami kong nakikita sa loob at labas. Super observant lang talaga ako nyaha... at nakakapagpasaya na yun sakin.

Photo Op Fail. Nung nasa Maynila ako, ambilis mag-lowbat nung camera ko. At kapag lowbat, bumabagal ang focus. Nakajackpot na sana akong makasama si PNoy sa isang picture, kaso nagloko yung cam kaya brrrury masyado yung kuha ko at hindi pa sakto ang framing, nyaha. Ayan tuloy, nakaalis na. T_T

Krispy Kreme. Sa tuwing bumibisita ako ng Maynila, never akong absent sa Krispy Kreme dahil sa Blueberry Cheesecake nila, huhuhuhu, nakakaiyak ang sarap. Sa Krispy Kreme rin ang may pinakamasarap na Caramel Latte na natikman ko.

Nasaan si Elise? Siya si Elise. Kaklase ko nung high school. Limang taon ko na siyang hindi nakikita kaya I did my best just to find and meet her. Ayokong sa burol ko na siya makitang muli, haha. Kaya finally, sa Eastwood, after 5 long years eh nakita ko na rin siyang buhay sa wakas. Close kami neto, kaya namiss ko siya ng bongga. Parang hayskul lang, parang hindi nag-evolve.

Bloggers Eyeball. Res Ipsa Loquitor....Mukhang bloggers sila lahat, and we all looked happy there, nyaha. I'm so happy to have finally spent quality time with these bloggers...charing. Ay, oo, talagang nakakatuwa, lalo na yung feeling na nakita mo na ng buto't laman yung mga nagsusulat nung mga blogs na binabasa mo at kinokomentan mo...alam niyo yun, basta yun, oo yun na yun. FROM TALLEST TO SHORTEST. L-R: YOURS TRULY, Angelo a.ka. Khanto, Sir MD na nagturo sakin kung saang estasyon ang TRINOMA at nakasama ko ng MRT papuntang TRINOMA, Mang Poldo - na kakauwi lang mula UAE at nagbigay nung sinasabit sa leeg (thank YOU much! ^^), Mam Yanah - nilibre niya kami ng Sundae tsaka Fries sa Mcdo...I felt so loved nyaha, Axl - na walang sawang nagtiis sakin ever lalo na nung pinabitbit ko sa kanya yung bag ko (thank you much!), Unnie - na finally eh na-meet ko na, Cha a.k.a little princess na talagang umaariba na sa pagka-prinsesa sa Korea ngayon, at si MPoy na wala sa picture. Teka, san yung picture natin? -- Bino na may magandang cam at tsaka may magandang shots sa akin..lol haha, Rico --na colleague ko at finally nameet ko na hehe. ^^

You Might Also Like

24 comments so far

Like us on Facebook