22905 QUILAO, SESINANDO JR. NIEZ
8:13 PM
Hindi ako makapaniwala. Sigaw ako ng sigaw kahit hindi ko pa nakikita ang pangalan ko sa mismong listahan.
Ito lang nakita ko sa kaklase ko. At first, di ko maintindihan bakit naka-tag ako sa status niya...tapos binasa ko yung mga comments.
OH MY GAS!!!!
"MA!!!!! NAA NA ANG RESULTS!!!!!" (This dialect is called Bisaya)
Nanginginig ako habang nagta-type. Kinabahan ako kasi post na ng post yung mga kaklase ko sa mga pangalan nila sa Facebook. Nahuli na yata ako...sana di na lang ako naligo, haha.
Ang bagal pa ng net kaya sobrang nanginig much over over ako
HINDI PA RIN NAGLOLOAD YUNG SITE!!!!!!
Nagcheck ako sa Inquirer...totoo nga...may results na pero walang listahan. Nagcheck ako ulit sa Facebook News Feed....naku nagkakatuwaan na sila...Alam ko na nakapasa na ko dati pa...hahaha...pero di lang ako mapakali...pano kung nagkamali yung machine sa pag-check nung test papers ko..ahw chos.. Eh kasi di ko pa mismo nakikita yung pangalan ko...at parang di pa ko makapaniwala na madudugtungan na ng dalawang letra ang lapida ko..
Ayan na. Nag google nako at naghanap ng ibang sites. Di kasi nagloload yung mga sites na naka-post sa facebook. Traffic na traffic sa Internet
FINALLY.....
LO AND BEHOLD....

PUMASA NGA AKO
I MADE IT....major major MADE IT!
HUHUHUHUHUH...
Grabe....sobrang overwhelmed ako! Sigaw ako ng sigaw todo todo bang bang bang
Bumaha talaga sa facebook ng mga pangalan at numbers ng mga nakapasa...mga pasasalamat at pagmamayabang. Nagkagulo talaga! Parang lahat ng nagtake sa FB list ko eh nag-online at nagpost.
Nagtraffic sa Google at Facebook. Kinabahan siguro si Mark Zuckerberg dahil may flood sa system nila ng bigla-bigla
Hahay. Grabe. Sigaw ako ng sigaw ng sigaw ng sigaw...ok ako na ang sumigaw ng pinakamalakas.
WOOOHOOOO!!!!
THANK YOU LORD!!!!!!!! Super duper mega ultra...Hindi sapat ang kung anong materyal na bagay ang ibibigay ko sayo ng one time occassion lang..dahil buong buhay ko Lord iyo na, kaya patuloy akong mananalig at mananamapalataya in Your name! You are the best!!! Bonnga Lord! Salamat ng bongga much!
Kaya sumunod na ko sa FLOOD sa Facebook..
Sobrang saya ko rin, dahil lahat ng mga ka-roommates ko nung 10-day in-house self-review namin...pasado lahat! Grabe yung mga pinagdaanan namin sobra!! PROMISE! Ang ingay pa nga namin sa room, gabi-gabi na lang. Grabe yung pressure....tapos grabe yung kaba namin nun. Kaya dinadaan na lang namin sa super laugh in....gabi-gabi kami angde-devotion...kasi si Lord pa rin ang puno at dulo ng lahat lahat lahat ng mga ginawa at ginagawa at gagawin namin sa buhay. Tulungan talaga kami, question and answer, group study..etc etc...grabe super duper hahahahaa di ko maexpress....... Sobrang saya ko nung makita ko rin names nila.
Pero me part na nakakalungkot. Bigla na lang nawala yung excitement ko nung malaman ko na hindi 100% ang batch namin. 447 kami lahat nagtake sa batch namin tapos 421 lang pumasa. Habang nagse-search ako sa mga pangalan nila, talagang wala sa listahan. Top 7 lang kami haha, dati palagi kami number 1....hahahaha ambisyoso!!! haha

Pero totoo ah..pababa ng pababa rating namin. Since 2006 na na-break yung record ng Silliman, kami pa ang batch na super duper dami ng bumagsak sa kasaysayan ng Silliman University College of Nursing. Siyempre nakakalungkot rin naman yun ah. Pero ok na yun! GO!! Top 7, marami naman kami nagtake.
Anyway, basta tapos na rin ang lahat. Grabe...apat na taon sa nursing, kalahating taong paghahanda para sa board exam. 500 items. 500 shades. Salamat talaga Lord ng bongga. Ikaw ang dahilan, at para pa rin Sa'Yo. Kay nanay at tatay....eto na oh..gift ko ang board exam result na to. One take lang yan, at saktong 4 years pa..kaya palayain niyo na me!!! Haha
To all who prayed and believed...man..grabe...woohooo..Thank You ng marami. ^_^
SESINANDO N. QUILAO JR, RN
I AM NOW A REGISTERED NURSE!!!!
PARTY, PARTY!!!!
List of NLE December 2010 passers.
List of NLE December 2010 Topnotchers
21 comments so far