­

My Amnesia Girl: Late Reaction

10:33 PM

Lumang movie na ba to? Ah ok. Kasi nung pinalabas yung My Amnesia Girl...nagrereview ako para sa board exam. Gusto ko na nga sana panoorin kasi puro positive feedbacks naririnig ko. Kaya dinownload ko na kanina at pinanood... Maliban sa first Tagalog movie ito na nadownload ko sa Internet, ito rin ang first Tagalog movie na hindi ako nabagot, nagalit, o nagsisi...dahil bawat eksena eh kapana-panabik. At...kung iniisip niyo kung pano yung Kimmy Dora at Here Comes Da Bride....very predictable yung mga yun kahit sobrang nakakatawa ahh hehe.

Anyway. Konti lang sasabihin ko tungkol sa movie na to.

SPOILERS BEYOND THIS POINT. ENTER AS DESIRED. (char lang)


Nung una, akala ko eh gagayahin nila yung Korean movie na "A Moment to Remember" o yung pinagbidahan ng ex kong si Drew Barrymore na "50 First Dates". Yun kasi 'yong mga movies na alam ko na may amnesia amnesia.

Kaso yung My Amnesia Girl pala eh naiiba. Only in da Pilipins lang talaga... ORIHINAL lahat. At saka magaling pa ang acting...mula sa main actors hanggang sa supporting actors papunta sa mga extra. Nakakatuwa yung mga eksena...walang dead-airs, kakornihan... para lang ba yung mararamdaman mo pag manonood ka ng 50 First Dates---di mo na afford magwiwi o mag- BLINK BLINK ng eyes. Nyahaha.

Kaya lang me daplis ...pero konting konting konting konti lang...

Mayroon kasing mga....
KLLLEEEEEESHEEEEYYYYYs (clichés).

UNA: Yung part na mababangga na si John Lloyd in a so so so so solow motion.
PANGALAWA: Yung si John Lloyd na naman yung ma-aamnesia.

Ayun..very predictable. Very so 2009, 2008, 2007 blah blah. Napanood ko na yun. Yung nagsoslow motion yung mga sasakyang nababangga. Tapos it's either mamatay yung nagdadrive, may maa-amnesia o....may mananalo ng lotto (LOL).

Nung nasa sasakyan si John Lloyd..at tawag-tawag siya ke Toni..yun na yung nagdasal nako na sana walang aksidente at slow motion na mangyayari...kasi matatapos na yung movie at sa mga bandang katapusan kumakalerky ang mga ganoong eksena... Ayoko kasi ng naprepredict ko eh..mahilig ako run! Eh walang nangyari sa dasal ko..echos lang.

Ganda-ganda na sana ng daloy..Pero...sumapol. Pero konti lang talaga, sobrang konti lang. Sobrang nagandahan at natuwa pa rin ako sa mubey.

CLICHé---yung ano ba..yung parang common sa isang bagay---yung something predictable...paulit-ulit--yun bang "YAN NA NAMAN??!! SAWANG-SAWA NA AKO!!!!" Yung parang ganun ba...

Kung hindi kayo conpidehnt sa talino ko...i-Google niyo na lang. Just type Cliché.

Kung napanood niyo yung CHARLIE ST CLOUD....yung eksena na nabangga sila nung truck without slow motion...sana ganun yung ginawa sa My Amnesia Girl. Sa opinyon ko lang..pag slow motion kasi...mapapaisip ang tao kung ano ang susunod na mangyayari. Yung mga eksenang tatapos na sana sa pelikula...yung mga nasa huling 10-15 minutes na lang ng movie....dun na maraming pinepredict ang mga manonood..kasi na-eexcite na ang madlang people. Gusto na nilang matapos at ano ba talaga ang ending sa pelikula. Eh yung slow motion ni John Lloyd habang nababangga daw siya sa kotse...nagkataon na nun yung ilang manonood na mapasigaw ng---

"AY...sabi ko na nga ba eh..maaaksidente....."
"Mabubugok ulo niya at makakaroon siya ng amnesia"

Sana fast-paced na lang yun.. 'Yung biglaan na ba. Di na sana ni-slow motion yun. Para diretso. Para yung mga manonood "OH NO WHAT'S NEXT DALI" ---shocking moment iyon...SHOCKING...NASHOCK sila kasi biglaan... --- "AY..NABANGGA? NAMATAY??" -----later...dahil mabilis na yung events at hindi na slow motion... "AY HINDI PALA...WOW...so UNIQUE THIS MOVIE!!!" Parang GANUN!!!!!

Pero...hindi madudungisan ng opinyon ko ang ganda ng pelikulang pilit kong ni-rereview. Gusto ko lang magpasikat ...kasi feel ko me alam ako konti sa pagdidirek bwahahaha. OA lang masyado... Pero tama naman ako diba? DIBAA!!!!???!! DIBA?!?!?!?!!

Sa mga di pa nakapanood ito lang basahin niyo! MAGANDA YUNG MOVIE! Kaya bumili na kayo ng HOME THEATER at 3D GLASSES kasi worth-all-the-money-you-spend tong movie na to!!! WOOOOHOOO!! Walang KAKORNY-KORNY.

Parang shabu tong movie na 'to....nakakaadik kasi eh... Bwahaha

Oh...konti lang noh?? Saved!

THE END!

Photos from HERE and HERE.

You Might Also Like

15 comments so far

Like us on Facebook