Mga Sulat-Kamay sa Hayskul
11:55 PM
OK. Drama lang. Tungkol sa retreat letters ang post na 'to. Yung mga liham na sulat-kamay ang drama. Mahilig kasi ako magligpit ng mga liham. Klase-klasae pa yung mga letra na natatanggap ko nun. May mga patawa, mga walang kwentang liham, mga liham na ginastosan, mga liham na kinulang sa budget, mga liham na puro mura. Madalang lang yung mga nakakaiyak. Karamihan sa mga retreat letters na yun eh puro Thank You at I'm sorry. Palibhasa retreat kasi, kaya feeling grateful at forgiving daw kunyari.



Pero kahit pano, naappreciate ko talaga yung mga nagbigay ng sulat sakin nung hayskul. Yung nagtiyaga talagang magsulat. It's the thought that counts kasi. Di baleng copy-paste, the thought still counts. Di baleng sa isang piraso lang ng pad paper na napulot sa corridor, the thought still counts. Di baleng nakaw na bolpen ang gamit sa pagsulat, the thought still counts. Di baleng marumi at mala-Fukien ang penmanship, the thought still counts. Di baleng kasinungalingan, the thought still counts. Di baleng wrong grammar at wrong spelling, the thought still counts. Lahat ng sulat-kamay...the thought still counts.
Ang hindi ko lang matanggap eh yung anonymous o stalker na kunyari eh naka-time machine raw. Echos. Niligpit ko lang to kasi balak kong hantingin o ibitay ang may sulat neto.
29 comments so far