Job Interbyuw Story
11:17 PM
Nasa Manila ako!!! Di naman ako interesanteng tao, pero gala naman tayo diyan! Haha!
Kwento ko lang yung tungkol sa job interbyuw ko kanina.
Kaninang umaga, sumabak ako sa isang interview session. Sinubukan kong mag-apply bilang VIP Host sa Resorts World Manila. Niyaks, outfit na outfit ang arte ko. Pink polo sleeves, khaki pants, leather shoes, waxed hair, plus pogi points pa ang genius look ko with the semi-kapal eyewear...at ang pinakamalupit...eh nakapagtali ako ng necktie, LOL.
Sa mga taga-Maynila pasensya na pero naaasar ako sa ingay ng mga jeepney, sa mega usok, sa mga taong nagmamadali na para bang magugunaw na ang mundo. Madalas kasi ako me kasama pag gumala ng Maynila, at first time kong walang kasama around da big city. At tsaka ko lang napansin, ang gulo-gulo here. Naninibago lang talaga ako kasi sanay ako sa probinsyano layp. Sa Ozamiz na tricycle at pedicab lang meron! At sa Dumaguete na super peaceful at sterile yung usok...joke. Pero naenjoy ko naman kahit pano yung mawala, maligaw, at muntik ng masagasaan---OMG probinsyano much, haha.
Anyhoo, 30 minutes akong naghanap ng kanto kung san makakasakay ng taxi kaninang umaga. Ok, ang gulo, parang may racing pala rito araw-araw. Oy 'wag niyo ko hantingin ha, haha.
Siguro more than 40 applicants kami run sa Star Cruise kanina. Andaming matatangkad, insecure yung 5'7'' ko. Tsaka me iba engot naman ang dating. Kasi naman sabi run sa JobStreet.com.ph business attire, eh me mga babae naka-mini skirt. Yung mga lalake naka-maong at naka-rubber shoes tapos T-shirt. Haller. Sa pagkakaintindi ko sa business attire eh polo sleeves, leather shoes at slacks, optional na si necktie. pwede na rin yung maong tapos polo sleeves. Me iba naman na uber bonga at naka-tuxedo talaga. Pa-simple lang me....hindi pa pala naka-glue ang picture ko sa resume.
Siyempre first time ko mag-apply kuno kaya tarantado ang dating, pero confident-looking pa rin. Tapos ayun na, initial screening na. Sinukat yung height! 5'9'' ang hinahanap sa lalaki eh 5'7'' lang me. Oooohhh, the nerd, bahala na. Nung turn ko na, tapos sukat-sukat na yung babae, sabi niya di raw qualified ang height ko. Pero me panlaban ako diyan! Korean-speaking ako at nilagay ko talaga sa resume yun kasunod ng objective. Hahaha. Listening Skills: Good, Reading Skills: Best, Writing Skills: Best, Speaking Skills: Average. "But you are exempted because we need locals who can speak foreign languages so you may proceed to the front desk and ask for an application ID". BONGGA! Pasok ang dwende.
Binigyan ako ng application form, tapos naghintay ako ng 2 oras bago tinawag yung pangalan ko. Sa totoo lang, kinabahan ako ng todo at muntik nako mag-epilepsy. Gusto ko sana makipag-prendships sa mga katabi kaso parang nagluluksa man yong mukha nila at feeling ko eh anak sila ni Einstein kaya baka sumabog utak ko pag sinagot ak yo in another language. Kaya yung ginawa ko, eh pini-picture out ko na lang yung magyayari sa interview. Kunyari tinatanong na daw ako, tapos sumasagot na raw ako. Blah blah.
Finally, tinawag na ako. Tapos tanong tanong tanong. Mga 10 minutes rin siguro. Siyempre confident raw ako sumagot with matching smile at joke konti. Siyempre nabigla si interviewer kasi Nursing Graduate ako. Pero drama lang me much, tsaka totoo naman na wala pa akong balak sa Nursing Career ko kung sakaling Top 1 man ako sa board, haha.
Pagkatapos nung inteview, sabi i-eendorse na raw ako sa VIP hosts department at tatawagan na lang ako for the final interview. Narealize ko, mas nakaka-stress pala ang maghintay kesa sa actual interview.
Anyhoo...gusto ko lang ibahagi para sa mga mag-a-apply ng trabaho sa mga kumpanyang bongga to the max o kahit sa mga pasimpleng companies lang , pag-aralan niyo mabuti yong tungkol sa company na pag-aaplyan mo. Siyempre magpractice sa bahay para sa interview, prepare possible questions and rehearse your answers. Pero, I don't suggest writing a script. Isulat mo na lang sa isang papel lahat ng mga possible questions from the interviewer tapos sagutin mo in different ways tuwing magpapractice ka. Prepare questions rin about the company kasi tatanungin ka nun. Manood rin ng Youtube videos tungkol sa mga job interviews kasi nakakatulong rin yun. Siyempre prepare your outfit rin. Wag ka na makinig sa mga kaibigan mo na pwede lang mag-casual, mas may impact pa rin ang naka-formal o business attire. Ginawa ko kasi yong mga abovementioned hahaha. Pero yung pinag-aralan ko talaga ng super eh kung pano sumagot in Korean. Kasi raw---yung mag-iinterview sakin last eh Korean..at yung interview session eh ...in Korean language. T_T God bless the Philippines.
Gusto ko gumala at makipag-EB sa inyo bloggers kung sinong available habang hinihintay ko pa tawag para sa final interview ko. ^^ Sayang naman ang moment ko rito. Comment lang kayo o mag-message sa shoutbox. ^^ Mahilig ako sa sine, bidyoke, karnibal, concerts, auditions, modeling, shooting. Yun lang hahaha. Hehe, kahit ano na basta makita ko lang kayo, haha ^_^
16 comments so far