­

The Last Few Days of April Part 2

2:37 PM

April 23, 2010
La Limar Beach Resort




Sabado. Napagplanuhan naming mag-unwind sa probinsya ni Natnat. 2 hours ang biyahe. Nawili kami sa ganda ng mga tanawin along the way. Naglunch kina Natnat, sinubaybayang mamangha sa potpot (or traysikel) ang dalawang dayuhan na kasama and then dumiretso na sa La Limar Beach Resort.

Di na kami masyadong nakapagpicture taking sa lugar. Agad habhab (bisaya word for kain) at bihis kami agad para maligo. Tapos nagrelax muna sa isang cottage na di naman namin pagmamay-ari, nyaha. Humimpil lang kami run ng mahigit isang oras bago kami tuluyang pinalayas kasi meron ng umupa.


Kayo na ang bahalang umintindi, basta nagrelax ako neto

Hinanap ko si Agua sa karagatan pero di ko siya mahagilap in fairness, haha.

Ayun, maayos naman ang lugar. Relaxing, at kahit hindi ganun kaganda yung beach eh sobrang linis naman yung tubig. Nagsnorkel pa nga kami at nahalina ako sa ganda nung mga blue fish na nakita ko. Tapos may banana boat pa. Di kami sumakay kasi mahal na para samin yung 200 per head. Haha.

Nabadtrip naman kami sa pool nung una kasi sobrang dami ng tao. Nagpista ang mga tiyanak at duwende sa pool, kaya pakiramdam namin umaapaw na ng ihi yung pool. Pero kebs lang kami at to the max naman kami naglanguyan sa pool hanggang sa umalis na yung mga bata kasi nga ang ingay namin. Sikat pa yung grupo namin kasi ininterview sina Titus at Hun nung isang jokla tungkol sa SUPER JUNIOR. Maghapon naman kaming naglaro sa pool ng SHAGIDI SHAGIDI at PING PONG PANG, haha, kung alam niyo yun. Kahihiyan naman ang gantimpala sa mga talunan.


Picture moments na rin habang nasa pool





Para sa Frequently Asked Questions tungkol sa LA LIMAR BEACH RESORT, bisitahin lang ang blog entry ni Ma'am Lurchie tungkol dito.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

April 28, 2010
Concert for a Cause


Martes. Nanood kami ng Concert for a Cause para sa organisasyong ONUSRA (Oriental Negros Separated Retirees Association). Pero, inde naman para sa organisasyong yun kami dumalo sa concert kundi dahil kina K. Chivas at T. Bunny, kasi nga churchmates namin sila, nyahaha. Oo. Hindi naman talaga kami ganun kaclose pero feeling close kami ni K. Chivas sa isa't isa. Sa mga inde nakakakilala sa kanila, sila yung contestants ng Pinoy Dream Academy Batch 2.

CHIVAS

BUNNY

Nakakaaliw yung concert kahit konti lang yung mga tao at kahit sobrang bitin. Para kasing isang Araneta ang nagtilian kina Chivas at Miguel kahit hindi naman umabot ng isang libo yung nanood.


MIGUEL

APPLE

Feeling close naman kami kina Miguel at Apple na contestants rin sa PDA na nakasabay nina Chivas at Bunny. Sobrang namangha ako ke Miguel kasi kanta-kanta pa siya with matching tugtog-tugtog sa keyboard, nyaha. Magaling siya kumanta talaga. Si Apple naman ay sobrang kengkoy. Sobrang nakakatuwa; SUGBO kaayo, taga-CEBU man gud! Ganda rin boses niya.

Ayun. Bitin nga yung palabas na yun. Sana sumikat pa silang lalo kasi naman magagaling silang lahat, niyahaha. In fairness, in demand sila at andami nilang shows at kung saan-saan na lang sila napapadpad. Nyaha.


At dahil privileged kami eh inangkin namin silang apat for picture taking.




You Might Also Like

25 comments so far

Like us on Facebook