Mount Talinis Part 2
12:41 AMCLICK FOR PART 1 HERE
At dun sa Twin Falls nga kami humimpil ng sandali, naglunch, naligo, at nagkatuwaan. Dun ko din nadiskubre na kinakalyo pala ang katawan ko't di ako kayang patigasin ng super ultra lamig ng tubig.
Nag-cross over ng naman kami ulit na isa pang bundok. Super steep na siya na parang 82.5 degrees nga yung angle, haha.

Makalipas ang isang oras eh sa wakas eh sinalubong rin kami ng isang super lawak na kapatagan. Nagrejoice kami dahil super nakapagpahinga kami. This time, camera ni Natnat naman ang napagtripan kong gamitin.


Goal namin ang makaabot sa tuktok which was 2 mountains away pa, pero aabutin na raw kami ng gabi kaya one more mountain na lang ang aakyatin namin upang makapagpahinga na kami ng forevermore.
Isang campsite ang kapatagang pinagpahingahan namin. Maraming mga campers ang nagpalipas ng gabi dun. Hindi namin sila nakasabay kasi sa ibang route daw sila dumaan. Marami raw talaga nagcacamp tuwing ARAW NG KAGITINGAN.


After 30 minutes eh naglakad pa kami ng ilang mga minuto bago umakyat sa isa na namang bundok. Nadatnan namin ang tinatawag nilang DEAD RIVER. From the name itself, patay na ang river: walang nabubuhay na isda, di pwedeng inumin, di pwedeng amuyin dahil super nakakalula ang amoy niya. Concentrated ang river with sulphur na nagmumula sa geothermal plantation na malapit lang sa bundok na inakyat namin.





Kaya wala ring mga punong nabubuhay sa lugar. Nakakamangha ring tingnan yung mga nagsisitaasang kahoy na pwede na rin tawaging mga DEAD TREES, kasi nasa DEAD RIVER sila, haha. Astig talaga ang scenery kahit mabaho. Hindi ko talaga alam ang buong storya ng transformation ng lugar. Parang ruins ng isang napakalaking kaharian ang lugar na para ring yung sa isang eksena ng Lord of the Rings kung saan papunta si Gollum sa Mordor (mas creepy nga lang yun, haha).



Ayan, makikita na ang bundok na huling inakyat namin. Super dami ng puno na talagang lasap na lasap ang nature fresh ng Zest, haha.
Napagtripan naman ni Keith yung cam ko at picture siya ng picture.





Wala na masyadong pictures sa pag-akyat namin. Marami kaming naging pahinga dahil super bangin na yung inakyat namin. Muntik na kong mahulog at mabalian ng paa. Sobrang maputik ang daan. Wala kaming dalang gloves kaya wasak ang mga kamay namin sa kakahawak at kakasandal sa kung ano-ano para maiwasan ang bungee jumping na talagang nakakamatay kung sinubukan namin, haha.



Sobrang pagod na talaga kami. Naabot rin namin ang tuktok ng bundok na yun.
So sa lugar kung saan kami nagcamp ay may isang maliit na lake. Yun ang isa sa dalawang lake ng Mt. Talinis. Yung goal nga sana namin eh ang magcamp sa isang malaking lake which was one mountain away from us na lang that time. Pero super pagod na kami at kumakagat na ang dilim, eh nagdesisyon na kaming sa susunod na kabanata na lang ang bundok na yun.
Isa sa mga naging mali namin sa camping ito ay ang hindi pagdala ng tents. Haha, isa lang ang may dala ng tent samin. Inakala naming me camping shelter dun. Meron nga, pero yun yung nasa baba namin. Kaya tuloy, napilitan tuloy kaming makihalubilo sa mga uod ng lupa.



Sa kabila ng lawa eh may mga nagcamping rin. Puro lalaki, sobrang ingay at engot nila. Kaya habang sigaw sila ng sigaw sa mga babaeng kasama namin, eh inasikaso naman naming mga lalaki ang aming improvised tent. Nagsiksikan ang mga girls sa isang tent na dala namin, samantalang si Manong Celes naman eh gumawa ng sarili niyang tent.
Habang nagpapahinga ang mga girls, eh hinahanda naman naming mga boys ang aming hapunan.
Sobrang nakakatuwa yung pagtulog namin. Nagsiksikan kami sa isang maliit na improvised tent namin. Ginawa naming bubong yung sleeping bag na dala ni Adonis, tapos yung comforter ko naman ang ginawang higaan. Sa sobrang liit eh super nagsiksikan nga kami. Sobrang sakit nga sa katawan. At super duper duper lamig pa run na parang negative degrees Celsius na! Pero lamang pa rin ang naranasan kong lamig sa Ireland.

Nakatulog ako ng mga ilang oras. Pero lumipat rin ako sa tent ni Manong Celes...pero....T_T nakaupo lang ako natulog, sobrang sakit sa likod. Meron kasi siyang portable bed, haha. Ang ganda nga ng pagkagawa eh, very sturdy and good enough para isang tulog, haha. 2 oras siguro ako natulog in a sitting position. Nung parang umiilaw na yung araw eh naka-supine position na ko nang bumangon na si Mang Celes. Nang fully shining na ang magiting na araw eh natulog lang ako. Di nako tumulong sa paghanda ng agahan, kasi super sakit ng likod ko nung natulog ako ng nakaupo. T_T
Mga pictures sa umaga.









By 8am, bumaba na kami. Mas madali lang ang pagbaba, pero mahirap pa rin at parang mas dangerous. Umulan kasi nung gabi. Basang-basa nga kami nun eh kasi nga di naman talaga fully covered kami nung bubung-bubungan na ginawa namin. Anyway, sobrang maputik yung daan kaya muli akong nagka-FAMAS award sa kakaslide.
Huminto kami ng sandali sa Dead River, nagpicture -picture at nag-refill ng tubig. Straight na yung pagbaba namin.






Yung last pit stop namin eh dun sa isang sapa kung saan kami naligo. KJ yung mga babae kaya di na sila sumali sa pagligo. Me isang mahabang dilaw na patay na ahas pa nga rung nakalutang haha, pero dive pa rin kami ng dive, yoohooo.

Nakabalik kami sa base around 1pm. Ang init-init, para naman kaming bumaba sa impyerno, haha. Di na kami nagtagal run at pumunta na kami sa pinakamalapit na lechon manukan. Lamon kami agad pagkatapos kaming mahatid sa pabalik sa Dumaguete.
At dun nagtatapos ang aking adventure sa Mount Talinis. Gusto ko pang bumalik!! Hehe! Hanggang sa susunod na adventure! Nyahaha

CLICK FOR PART 1 HERE
44 comments so far