late na naman
6:34 PM
gusto ko maging time machine, pero patay na si Einstein.
bata pa ako, hobby ko na ang ma-late, sa klase, sa meeting, at sa kung ano pang okasyon --- bongga. hindi ko naman pinantasya na mapansin ako ng lahat dahil latecomer ako, at mas masayang libangan ang tumbang-preso kaysa sa habulan ng oras -- wala pa lang talaga atang nakakaimbento sa time machine.
palagi akong nagmumukhang ewan dahil hindi ako updated sa mga happenings --- di ko na naaabutan ang lupang hinirang, ang mga announcements ng prinsipal, ang alma mater song, na nasagasaan pala si Van ng van, na bago na pala ang time slot ng meteor garden, at may anak pala si Piolo. muntik na rin akong maexpel dahil kasalanan na pala ang hindi nagigising ng maaga.
hanggang ngayon ay isa pa rin akong bantog na latecomer. minsan hindi ko sinasadya, pero most of the time tingin ko wala namang kwenta pag on time ako o maaga. minsan tingin ko rin talagang dapat akong hintayin.
hindi nakakatuwa ang mga katagang "late na naman". para akong nakapatay ng mag-ina! at may multa na pala ang mga latecomers sa henerasyong ito. nakakairita dahil tingin ko walang hustisya ang malate. mas masahol pa sa J-walking ang malate dahil 100 agad for 5 minutes! wala man lang grace period! gosh!
alam kong mahirap ang maghintay, at nararamdaman ko ang hapdi ng hindi sinisipot. pero hindi makatarungan ang multahan ng 100 dahil late sa appointment for 5,10,15 minutes, dagdag pa ng 20 pesos for every 5 minutes. napapahiya pa ako sa mga titser na latecomers din! buti pa ang mga nangongotong!
isa akong bantog na latecomer na pwede ng gawan ng alamat. nakatatak na sa ulo ko ang salitang "LATE". palagi akong nakikipaghabulan sa oras--hindi napapagod, hindi nababagot, manhid! dahil ba sa patay na si Einstein at hindi naimbento ang time machine? o tamad lang talaga ako? gusto ko ng makawala sa mga katagang "late na naman". di bale, sabi nga ng mga latecomers na katulad ko.... ALWAYS LATE...BUT WORTH THE WAIT! hmmm, cheka! tingin ko naman magbabago pa ako as time goes by, so please wait! bwahaha ^^
NOTE: wala akong intensyong babuyin ang mga "early birds catching early worms" <--- dahil kayo ang pinapangarap kong gayahin. 5 minutes for 100PHP? BRING IT ON!!! gusto ko naman talaga maging uod na katulad niyo. ^^
3 comments so far