­

Mga Munting Alaala

3:10 AM


Naalala ko pa si George ~ palagi ko siyang napapanaginipan nong bata pa ako ~ tingin ko isa siyang Decepticon dahil gusto niya akong lamunin ~ "George, George" ~ napanaginipan ko siya ng dalawang beses ~ gusto pa rin niya akong lamunin ~ tingin ko, Decepticon talaga siya.

Naaalala ko pa si Dangerous Dave ~ wala pang DOTA, L4D, o Ragnarok sa mga araw na yun ~ karibal niya sina Mario at Luigi ~ mataas ang talon ni Dave kahit maliit lang siya ~ tumatalon sa apoy at lumalangoy sa tubig ~ dangerous talaga si Dave dahil sa liit niya ay napipinsala niya ang mga kalabang higante ~ wala pang XP o flat screen ~ wala pang Wifi at tanging karera't piso piso lang ang munting kaligayahan ng ma chikiting ~ pero iba pa rin si Dangerous Dave ~ sa Pentium 1 ko siya nakilala ~ sa kanya ko nalaman na tatalon siya pag pinindut ko ang SPACE ~

Naaalala ko pa si Ate Belen ~ yung yaya nung dati kong bespren na ubod ng yaman na hanggang ngayon ay di pa rin nauubusan ng pera ~ kebs lang siya kung inuubos namin ang pagkain ng alaga niya ~ kebs lang siya pag magdamagan kami sa underground sala ng alaga niya ~ kebs lang siya pag nakakabasag kami ng jar ~ kebs lang talaga siya ever ~ kaya mahal namin si Ate Belen ~ demo, hindi siya napromote bilang mayor doma ~ at wala na siya sa pwesto ngayon ~ buhay pa kaya siya?

Naaalala ko pa si Mamang Manlalangoy ~ he saved my life cheka eklavu! kung hindi dahil sa kanya malamang ako ang susundo kay Michael Jackson sa kanyang biyaheng langit ~ muntik nakong mamatay ~ malamang wala akong maaalala ngayon kung wala si Mamang Manlalangoy ~ hindi ko na matandaan ang mukha niya at hindi ako nakapag thank you ~ kung sino ka man at kung buhay ka pa ~ sana may facebook ka dahil dito ako magpapasalamat sa'yo ~ Salamat.

Naaalala ko pa si Duwende ~ yung inaalayan namin ng kendi upang makaligtas kami sa kanyang sumpa't kaparusahan ~ Naaalala ko pa si Rocky ~ yung nagturo sakin kung pano uminom ng tubig dagat ~ Naaalala ko pa si Sharon Lumanta ~ yung kyut kong kaklaseng muntik ng nasagasaan ~ at muntik na niya kong nasali sa near~death adventure niya ~ Naaalala ko pa sina Play at Mates ~ yung mga kalaro ko nong nagbakasyon ako sa Maynila ~ bespren ko daw sila ~ gusto ko silang mameet muli ngayong may balahibo na kami sa kili kili ~ Naaalala ko pa si Superman ~ Naaalala ko pa si Alpha 5 ~ Naaalala ko pa si Rogue at si Gambit ~ Naaalala ko pa ang karera ~ Naaalala ko pa ang Playstation 1 ~ Naaalala ko pa ang Dance Pad ~ Naaalala ko pa ang Game Planet ~ Naaalala ko pa si Paul at si Boss ng Game Planet ~ Naaalala ko pang alaga nila ako sa Game Planet ~ Naaalala ko pa si Daryl na karibal ko sa Dance Dance Revolution ~ Naaalala ko pa si Pacman ~

Naaalala ko pa si Ate ~ yung student assistant sa library na palaging nakangiti ~ Naaalala ko pa St. John Baptist De La Salle ~ hindi ko makakalimutan si Rico Yan ~ yung artistang namatay dahil sa tuwa ~ kung kelan siya namatay ay yung kelan ko rin nakilala si father dear ~ Naaalala ko pa yung mga Ilocanang nagdala sakin galing London papuntang Pilipinas ~ Naaalala ko pa yung katabi kong British sa Eroplano na walang ibang alam gawin kundi maglaro ng Caveman ~ at naaalala ko pa si Caveman ~ Naaalala ko pa si Paul Walker ~ yung British na tawag ng tawag sa akin dahil ako raw ang tagapagmana ng $14M mula sa isang matandang mayamang namatay bigla at walang tagapagmanang naiwan ~ nakapagpirma ako ng papeles na hanggang ngayon ay nasa 'kin pa ~ di ko alam kung anong raket yun pero talagang riyalistik ~ walastik kung makagimik ~ at bigla na lang siyang nawala

Naaalala ko pa si Steven Liu ~ Naaalala ko pa ang Af forum kung saan nabuhay ang aking internet adiktusness ~ naaalala ko pa si Zenki ~ Naaalala ko pa si Chabelita ~ Naaalala ko pa si Esperanza at Son Goku ~ magkaribal sila ~ Naaalala ko pa si Jessa Zaragosa ~ sabi nila badin daw siya ~ care ko ba kung mas magaling si Jolina Magdangal kay Antoinette Taus? ~ yayaman ba ako kung susubaybayan ko ang misadventures ni Blue Blink at Mojacko? ~

Ito ang aking mga munting alaala ~ sa bawat sandali'y gusto kong balikan ang mga panahon kung kelan P.25 pa ang snowbear at natutuwa ako sa Marie Biscuits at Domino ~ kung kelan wala pang research projects at martial law the nursing version ~ mga alaalang masarap balikan ~ mga alaalang bahagi ng iyong buhay ~ mga alaalang nagbunga ng kasalukuyan ~ masaya ~ nakakatuwa~ cheka.

You Might Also Like

2 comments so far

Like us on Facebook